<< December 2007 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01
02 03 04 05 06 07 08
09 10 11 12 13 14 15
16 17 18 19 20 21 22
23 24 25 26 27 28 29
30 31

certain things, ideas flood my thoughts
If only I have the power to change a thing
it would be the society I am / we're in.
this is me. not blessed with so many talents
not blessed with such beautiful features
but I'm thankful the way I am created
I have a heart with so much love to give
for me, it's more than enough.



If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



Saturday, December 08, 2007
Gamot na hindi lunas.

Bawat tahanan siguro sa mundong ito ay kakikitaan ng gamot sa kani-kanilang bahay, kung hindi man madami ay mayroon pa ring mangilan ngilan para sa mabilisang lunas sa anumang karamdaman. Mahalaga ang gamot, alam nating lahat iyan, kadalasan yan ang nagiging susi upang mas humaba pa ang buhay na ipinahiram sa atin. Bawat gamot ay may kani-kaniyang gamit, me sariling ‘expertise’ kumbaga. Pero para sa akin, marami sa gamot na ito ang walang lunas. magulo ba?

gamot na hindi lunas. imbento ko lamang ang salitang iyan sa kadahilanang kaya nga nito magpagaling ngunit ang halaga naman nito ay hindi abot ng nakararami kaya’t malaki man ang silbi niya, wala pa ring lunas na maibibigay ito sa nangangailangan sa kaniya.

Hindi maipagkakaila na sa ating bansa, mas marami ang hindi nabiyayaan ng masaganang pamumuhay, mga taong masuwerte na kung makakakain sa loob ng 3 araw at lalo na kung may kuryente sa tahanan, at dahil nga nasasadlak sa ganitong kalagayan, sila rin ang mas madalas tamaan ng sakit na nangangailangan ng serbisyo ng mga gamot na hindi lunas. bubuhayin lamang ba ng mga gamot na ito ang mga mayayamang nagpapayaman pa? sila na lang ba ang may karapatang pahabain pa ang pisi ng buhay? lahat naman tayo ay mga tao, lahat tayo ay magtatapos sa pagiging abo, sa huli lahat ay magiging pantay-pantay, bakit hindi pwedeng habang nabubuhay ay maging pantay man lamang kahit sa ilang mga bagay?

tanggap ko na ang buhay ay hindi patas. tama sila, paano mo malalaman ang sarap kung hindi ka naghirap at pano mo malalaman ang hirap kung hindi mo naranasan ang sarap ng buhay, buti sana kung ganoon talaga ang takbo ng gulong ng buhay, kaya lang hindi. madalas, para bang nawawalan ng hangin ang gulong at tumitigil na ito sa pag-ikot kaya’t ang mga nasa ilalim ay nawawalan na ng pag-asang pumaibabaw pa. sa pagkakataong ito, hindi ko maiwasan maisip kung bakit lahat ng bagay ay mas pumapanig sa mas nakaririwasa, sila na nga ang mas nabiyayaan, sila pa ang mas binibigyan prayoridad, hindi ba dapat baliktad? hindi ba dapat mas bigyan pansin ang mga taong nakatapak na sa putikan upang maiahon man lang? maski man lamang sa pagbibigay ng mga gamot para mas mapahaba ang buhay na kanilang hiniram, yun lang ay malaking bagay na. sana naman ay wag ng dumami ang bilang ng mga gamot na walang lunas, sana’y ang halaga nito ay maging halaga rin ng mga taong umaasam dito

Posted at 10:11 am by mishjacq

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home